NAKALIMUTAN
Sa gilid ng kalsada, magkatabing nabubuhay ang isang batang kumakapit sa alaala at isang matandang unti-unting nalilimot ang lahat. Habang ang bata ay naghahanap ng pagmamahal na nawala, ang matanda nama’y nawawala sa sarili niyang mga kwento. Hanggang dumating ang pagkakataong maglalayo sa dalawa. Sa huli, ang matanda ay maiiwang naghihintay sa isang alaala na hindi na niya matandaan.Ang dula ay istorya ng pagmamahal, pagpapahalaga, at pagkalimot—isang paalala na hindi lahat ng naiwan ay naaalala, at hindi lahat ng minahal ay nananatili sa alaala.